Pangungunahan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang mamamayang Pilipino sa pagsalubong kina Emperor Akihito at Empress Michiko ng Japan sa pagsisimula ng kanilang pagbisita sa Pilipinas ngayong Martes.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. na mahalaga ang pagbisita ng Their Majesties dahil ang 2016 ay ang ika-60 anibersaryo ng pagbabalik sa normal ng diplomatic relations ng Japan at Pilipinas.

“On a personal note, the President recalls that when he accompanied his mother, then President Corazon C. Aquino, during her visit to Japan in 1986, Emperor Akihito’s father, then Emperor Hirohito, even conversed with him and advised him to take care of his parents,” ayon sa opisyal ng Palasyo.

Ang Japan ay pangunahing trading partner ng Pilipinas na mayroong tinatayang $19.15 billion trade volume noong 2014 at pangunahing pinagmulan ng foreign investments ng Pilipinas sa parehong taon.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Batay sa schedule na inilabas ng Malacañang, ang Japanese emperor at empress ay bibisita sa bansa mula Enero 26 hanggang 30.

Dadalo ang Imperial Couple sa mga okasyon sa Manila sa Enero 27 at 28 at bibisita sa Caliraya at Los Baños sa Laguna sa Enero 29.

Bibisitahin nila ang mga memorial site ng mga beteranong Pilipino at Japanese sa Laguna, bahagi ng pacifist pilgrimage ng emperor sa mga World War II memorial.

Ang pagbibigay parangal sa mga Japanese at non-Japanese na namatay sa mga digmaan ang naging pagsubok sa halos tatlong dekada nang paghahari – kilala bilang Heisei o “achieving peace” – ni Akihito, 82.

“The emperor has been very consistent with the fact that Japan is apologetic about their aggression,” sabi ni Richard Javad Heydarian, political science professor sa De La Salle University in Manila.

Ito ang unang pagbisita ng Japanese emperor at empress sa Pilipinas, ang matagal nang kaalyado ng Japan. Bumisita sila sa Pilipinas noong 1962 nang sila ay crown prince at princess pa lamang. (PNA, AFP)