Totoong mayroong mga indibidwal na iniuugnay sa Islamic State (IS) ang nangangalap ng kabataang Moro sa Central Mindanao, kinumpirma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) nitong Lunes.

“What is confirmed right now is there is ongoing recruitment of young people in the various provinces, especially in Maguindanao and Cotabato City and also in Marawi City (sa Lanao del Sur),” sabi ni Mohagher Iqbal, chief negotiator ng MILF.

“That is confirmed,” diin niya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“But whether or not there is already a formal foothold of the ISIS in Mindanao, that is still a subject for validation, we have not confirmed that,” sabi ng lider ng MILF leader.

Idinagdag niya na ilang grupo — na hindi niya tinukoy — sa Lanao del Sur at Cotabato — ang nagsasabing bumuo ng mga grupong may kaugnayan sa ISIS.

Sinabi niya na nagaganap ang mga pangangalap sa lalawigan ng Maguindanao at Lanao del Sur, kapwa sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ginawa ni Iqbal ang kumpirmasyon matapos aminin ng 26 na Muslim religious leaders sa ARMM nitong nakaraang linggo na ang mga galamay ng extremist group, tinutukoy ang ISIS o IS, ay nakarating na sa ARMM. (EDD K. USMAN)