HOUSTON (AP) - Nagposte si James Harden ng 23 puntos, 15 rebounds at 10 assists,habang umiskor ng season-high 29 na puntos si Trevor Ariza para pangunahan ang Houston Rockets sa paggapi sa Dallas Mavericks,115-104.

Naiiwan pa ng isa ang Rockets sa pagsalta ng laro sa fourth quarter,bago nagsalansan ng 14-4 run na tinampukan ng tatlong sunod na 3-pointers nina Ariza, Jason Terry at Josh Smith para itayo ang 98-89 na bentahe, may 9 na minuteo pa ang nalalabi.

Nakasingit pa ng isang lay-up si Chandler Parsons, bago nagtala ng limang sunod na puntos ang Houston na nagtaas sa kanilang lamang sa 103-91 na hindi na nila binitawan hanggang maangkin ang tagumpay.

Nauwi sa wala ang naitalang season-high 31 puntos ni Parsons dahil sa pagkahulog ng Mavericks sa ikalawang sunod na kabiguan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Si Smith na nakuha sa trade mula sa Clippers ay nagposte ng kanyang season-high 16 puntos sa ikalawang laro niya makaraang magbalik sa Rockets.

Lamang ng 13-puntos sa kalagitnaan ng fourth canto, nagtala pa ng apat na puntos ang Rockets kabilang ang two-handed dunk ni Ariza para iangat ang kanilang bentahe sa 112-95, apat na minuto ang nalalabing oras sa laban.

Ang triple-double, ang ikalawa ni Harden ngayong season at pang-walo sa kanyang career ay kanyang nakumpleto matapos ang isang assist kay Clint Capela na nag-alley-oop dunk may 1:26 pang natitira sa fourth period na nagbigay sa Rockets 115-102 na kalamangan.

Hindi pa nakalaro sa Houston si Dwight Howard na dalawang sunod na laro nang hindi nag-suit-up para sa koponan dahil sa iniindang “sprained left ankle”.

Naitala ni Ariza ang unang 6 baskets kabilang ang apat na 3-pointers sa first quarter kung saan siya umiskor ng 16-puntos. Naghinay-hinay siya sa kanyang laro sa second canto na sinamantala ng Mavericks para agawin ang kalamangan sa halftime, 58-50.