Papayagan na ang overseas Filipino workers (OFW) na magtungo sa Guinea matapos alisin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang deployment ban sa bansa sa West Africa.

Sa kanyang Governing Board (GB) Resolution No. 2, Series of 2016, inanunsyo ng POEA na ang lahat ng OFW ay maaari na ngayong ipadala sa Guinea kasunod ng desisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ibaba ang crisis alert level mula 3 (voluntary repatriation phase) sa 1 (monitoring phase).

Noong Mayo 16, 2015, pinagbawalan ng POEA ang mga OFW na bumiyahe sa Guinea, Sierra Leone at Liberia matapos iulat ng tatlong bansa ang outbreak ng nakamamatay na Ebola virus disease (EVD).

“The POEA Governing Board, in a meeting duly convened, resolves as it is hereby resolve, to lift deployment thereto of all Filipino workers, to include both vacationing and new hires, subject to the issuance of appropriate advice to Filipino workers therein to take precautionary measures during their stay in the said country, which is under alert level 1” saad sa resolusyon, na nilagdaan Enero 22, 2016. (Samuel Medenilla)

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?