TARLAC CITY - Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala na nakalatag na ang mga paghahanda at programa ng kagawaran upang proteksiyunan at tulungan ang mga magsasaka kaugnay ng El Niño, o matinding tagtuyot, sa bansa.

Nalaman ang bagay na ito nang bisitahin kamakailan ni Alcala ang Agro-Trade Fair sa Enchanted Farm sa Angat, Bulacan, at tiniyak sa mga magsasaka na handa at agad na makatutugon ang DA upang matiyak na hindi kakapusin ang supply at produksiyon ng pagkain sa kasagsagan ng tagtuyot.

Una rito ang pamamahagi sa mga magsasaka ng mga binhi na matatag sa tagtuyot, sa tulong ng Philippine Rice Research Institute.

Mas magiging agresibo rin ang DA sa paghikayat sa mga magsasaka na sabayan ng pagtatanim ng mga high-value commercial crop ang pagtatanim ng palay, dahil bukod sa hindi matakaw sa tubig ang gulay ay madadagdagan pa ang kita ng mga magsasaka.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Binanggit pa ni Alcala na maaaring tawagan ang DA para magsagawa ng cloudseeding sakaling hindi umulan sa loob ng dalawang linggo. (Leandro Alborote)