Nagtala ng bagong attendance record ang Jr. NBA/ Jr. WNBA Philippines 2016 na ipinihahatid ng Alaska sa pagdalo ng 281 coaches mula Luzon, Visayas at Mindanao sa isinagawang coaches clinic at kabuuang 1,068 mga kabataang edad 5-16 sa isinagawang tip-off event sa Don Bosco Technical Institute sa Makati.

Ginawa ni NBA Philippines Managing Director Carlo Singsonang pagtanggap sa lahat ng mga kalahok sa ika-9 na pagdaraos ng Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines program inaugural event sa parehas na venue kung saan din ito nagsimula, siyam na taon na ang nakararaan.

Nagbigay ng kasiyahan sa mga kabataan at sa kanilang mga magulang sampu ng mga coaches na dumalo sa tip-off si Harry, ang Atlanta Hawks mascot at assistant nitong si Leighton kasama ang Alaska Aces mascot na si E-Cow sa pamamagitan ng isinagawa nilang “dance showdown”.

Ang Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines 2016 ay tatagal hanggang Abril 24, at magtuturo ng ng mga basketball fundamentals at magbabahagi ng “core values” ng “Sportsmanship”, “Teamwork”, positibong pag-uugali at respeto sa “grassroots level” upang mas paangatin ang “basketball experience” para sa mga players, coaches gayundin sa mga magulang ng mga batang kalahok.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang programa ay binubuo ng apat na bahagi na kinabibilangan ng skills clinics sa mga paaralan at komunidad, Regional Selection Camps, National Training Camp at NBA experience trip.

Ang skills clinics ay idaraos sa mga piling lugar sa buong Pilipinas na kinabibilangan ng Bukidnon, Butuan, Cagayan de Oro, Dagupan, Davao, Iloilo, Metro Manila, Puerto Princesa, Batangas, Catanduanes at Cavite.

Ang mga mapipiling mga players sa mga nasabing clinics ay bibigyan nng pagkakataon na ipakita ang kanilang galing sa tryouts sa idaraos na mga Regional Selection Camps sa Baguio (Pebrero 20-21), Davao (Pebrero 27-28), Cebu (Marso 5-6) at Metro Manila (Abril 9-10).

Ang 50 batang lalaki at 24 na babae mula sa mga Regional Selection Camps ay uusad sa National Training Camp sa Manila sa Abril 22-24.