Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Pilipinas Shell ngayong Martes ng umaga.

Ayon sa Shell, epektibo 6:00 ngayong umaga ay magtatapyas ito ng P1.10 sa presyo ng kada litro ng kerosene, 90 sentimos sa diesel, at 60 sentimos sa gasolina.

Hindi naman nagpahuli ang Phoenix Petroleum Philippines nang magpatupad ito ng kaparehong bawas-presyo sa diesel at gasolina.

Asahan na ang pagsunod ng ibang kumpanya kahit hindi pa naglalabas ng pahayag ang mga ito.

Metro

Lalaki, pinagsasaksak sa dibdib dahil umano sa paggamit ng basketball court

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Samantala, muling nanawagan ang mga pasahero na panahon na upang ibaba na rin ang pasahe sa bus at ang flagged-down rate sa taxi dahil sa patuloy na pagbulusok ng presyo ng petrolyo sa bansa. (Bella Gamotea)