Tinatapos na lang ng Department of Justice (DoJ) ang ilang documentary requirements para sa pormal na paghahain ng kaso sa korte laban sa 90 kasapi ng Moro Islamic Liberation Fornt (MILF).

Ito ang inihayag kahapon ni Assistant State Prosecutor Alexander Suarez, na nagsabing natapos na kamakailan ang preliminary investigation para sa reklamong complex crime of direct assault with murder laban sa 90 miyembro ng MILF.

Sinasabing natapos ang preliminary probe nang ihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi na ito sasagot pa sa counter-affidavit na inihain ng mga respondent sa reklamo.

Napag-alaman na sa 90 respondent, apat lang ang naghain ng counter-affidavit.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ginunita kahapon ang unang anibersaryo ng engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao, at sinabi ni Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu na nagdaos sila ng ecumenical prayer at naglunsad ng iba’t ibang programa sa Barangay Tukanalipao sa Mamasapano.

Enero 25, 2015 nang mauwi sa engkuwentro ang operasyon ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano sa pagdakip sa dalawang terorista, at 44 na police commando ang nasawi sa pakikipagsagupa sa mga miyembro ng MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Tiniyak naman ng gobyerno na magpapatuloy ang mga benepisyong ibinibigay ng gobyerno sa mga pamilyang naulila ng tinaguriang SAF 44. (BETH CAMIA)