Aksaya lang ng pera ng bayan kung ipagpapatuloy ng Senado ang imbestigasyon nito laban kay Vice President Jejomar C. Binay kaugnay ng mga alegasyon ng pagkakasangkot umano nito sa multi-bilyon pisong anomalya sa mga proyekto sa Makati City.

Ito ang paniniwala nina Atty. Vicente Joyas, dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP); at Atty. Harry Roque, propesor sa University of the Philippines, sa gitna ng mga ulat na bubuhayin ng mga kalaban ni Binay sa pulitika ang pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committee ang mga kontrobersiyang kinahaharap nito.

Ayon kay Joyas, paulit-ulit lang ang mga ipunupukol na isyu laban kay Binay.

“There will be duplication of investigation. The Senate should just leave it up to the Ombudsman office and instead attend to more urgent matters needed before these senators get busy with campaign for the elections,” giit niya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“They should instead endorse [the pieces of evidence] to the Ombudsman, which I believe is now conducting investigation on these issues,” giit ni Joyas.

Samantala, iginiit ni Roque na masasayang lang ang ibinayad na buwis ng sambayanan sa pagbuhay sa imbestigasyon sa mga kaso laban kay Binay.

Nakiisa ang dalawang law expert sa obserbasyon ng kanilang mga kabaro na sina dating University of the East Law Dean Amado Valdez at Pacifico Agabin ng UP, na nagsabing isa lang political strategy ang pagbuhay sa imbestigasyon laban kay Binay, lalo dahil nangunguna na naman ito sa survey ng mga presidentiable. - Leonard D. Postrado