TAIPEI, Taiwan (AP) — Binalot ng hindi pangkaraniwang malamig na klima ang Taiwan na ikinamaty ng 57 katao, karamihan ay matatanda.

Biglang ibinagsak ng cold wave ang mga temperatura sa 4 degrees Celsius (39.2 degrees Fahrenheit), ang pinakamalamig sa loob ng 16-taon, sa subtropical capital kung saan karamihan ng mga bahay ay walang central heating.

Ang cold snap ang sinisisi sa pagkamatay ng 40 katao sa kabiserang Taipei, at 17 pa sa katabing New Taipei City.

Kabilang sa mga sanhi ng pagkamatay ay stroke at hypothermia.

Internasyonal

Joe Biden kay Kamala Harris: ‘Her story represents the best of America’s story’

Ang temperatura sa Taipei ay karaniwang pumapalo sa 16 degrees C (60 degrees F) sa Enero, ayon sa Central Weather Bureau ng Taiwan.