Umaangal ang halos lahat ng may-ari ng sari-sari store sa Valenzuela City dahil sa taas ng binabayaran nilang buwis sa Business Permit and Licensing Office (BPLO).

Ayon kay Catherine M. Rodero, may sari-sari store sa Barangay Gen. T. De Leon, mahigit P3,000 ang ibabayad niya ngayong taon sa business permit, gayung noong nakaraang taon ay P2,000 lang ang binayaran niya, bukod pa ito sa babayaran quarterly.

“Grabe naman ang taas, eh, okay lang kung grocery na ‘yung tinda namin, kaso sari-sari store lang at napakaliit ng tubo,” ani Rodero, na pareho ng himutok ng karamihang sari-sari store owner na ni-loan lang sa kooperatiba o inutang sa 5-6 ang puhunan.

Suhestiyon ng maliliit na negosyante, dapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaang lungsod ang paniningil ng buwis sa malalaking pabrika.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Anila, dapat din na sa barangay na lang sila magbayad ng permit, lalo dahil nasa P20,000 lang ang puhunan nila. - Orly L. Barcala