NATATANDAAN mo pa ba, Bossing DMB ‘yung blind item ko tungkol sa isang actor na local politician din na hindi in-approve ng kinauukulang ahensiya ang request niya para sa projects dahil may discrepancies sa papeles? Personal na niyang inayos ito at okay na.
Ang kuwento kasi sa amin ay walang alam ang pulitiko kaya ipinagkatiwala lang nito sa staff ang paper works at hindi na rin niya ni-review nang ipasa sa taga-approve ng projects.
Kamakailan ay kinumusta namin sa staff ng opisina ng taga-aprub ng projects ang update sa nasabing pulitiko.
“Okay na, binayaran niya ‘yung kulang na amount. Kawawa siya kasi ‘yun palang gumawa ng report ay best friend niya kaya nagtiwala siya, without him knowing na may ginagawang dagdag-bawas.
“’Tapos iniwan na siya, nag-migrate na sa ibang bansa kaya hayun, sa kanya lahat ang sisi. So para hindi masira ang name niya at mapirmahan ang papeles niya, binayaran niya ‘yung kulang na amount, kasi hindi balanced, eh,” kuwento sa amin.
Hindi naman umabot sa milyones ang kulang na amount sa project ng nasabing pulitiko pero kaagad niya itong inayos para hindi siya makasuhan ng graft and corruption, na nangyayari ngayon sa ilang pulitiko.
Nakakatawa pang kuwento sa amin, “I think, inipon niya ‘yung amount kasi loose bills, eh, may tig-twenty pesos pa.
Kaya mas lalo siyang pumogi sa paningin ko ngayon, he’s really guwapo naman talaga, pero ‘yun nga, he really have to check all the papers/projects under his name.”
In fairness, pogi naman talaga si Cong. at mabait pa. (REGGEE BONOAN)