Isasagawa ang ikatlong edisyon, pinamumunuan ng Philippine Sports Commission (PSC), ng All Female Martial Arts Festival na magtatampok sa 10 sports sa darating na Abril.

Sinabi ni PSC National Games chief Atty. Ma. Fe “Jay” Alano na maliban sa lugar na paggaganapan ay halos kumpleto na ang mga kakailanganin sa pagsasagawa muli ng aktibidad na inoorganisa bilang bahagi ng programa ng PSC para sa “Women in Sports” at “Sports For All” sa ilalim ni Commissioner Gillian Akiko Thomson Guevarra.

“We are still finalizing some more details dahil may mga ibang sports na gusto din sumali sa programa,” sabi ni Alano, matapos ang pulong noong Biyernes ng umaga sa PSC Administration Building.

Huling isinagawa ang 2nd Women’s Festival of Martial Arts noong Mayo 25 hanggang 27, 2015 sa SM Megatrade Hall sa SM Megamall kung saan pinaglabanan ang mga sports na arnis, boxing, fencing, judo,karatedo, muay-thai, penkat-silat, taekwondo, wrestling at wushu.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Umabot sa 186 na ginto, 177 pilak at 212 tanso para sa kabuuang 575 medalya ang napagwagian ng mga lumahok sa tatlong araw na torneo na sinalihan ng mahigit 5,000 kababaihan. - Angie Oredo