jadine (1) copy

GRABE, ang daming nag-react na OTWIListas sa trailer ng On The Wings of Love na tila hindi na matutuloy ang kasal nina Clark (James Reid) at Lea (Nadine Lustre) sa eksenang nasa Fine Arts Museum, San Francisco ang dalawa habang ginugunita ang kanilang masasayang araw noong bago pa lang silang nagkakagustuhan.

Hindi rin kasi naging malinaw kung bakit nagsabi si Clark kay Lea ng, “Kung mahal ka, babalikan ka? Kung mahal ka niya talaga, iiwan ka ba niya?”

Makahulugan din ang post sa Twitter ng direktor ng OTWOL na si Antoinette Jadaone na, “Ayan naaa, teaser of the SFO, Lake Tahoe scenes, of the beginning of the end” bago ipinalabas ang serye noong Biyernes.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

May twist daw kasi ang istorya, at ito ang iipinag-aalala ng OTWOListas. Ano raw ba ang mangyayari sa pagtatapos ng On The Wings of Love?

Samantala, avid viewer din pala ng On The Wings of Love si Sandiganbayan Associate Justice Samuel Martires ng Anti-Graft Court’s Third Division, at pati na ng Ang Probinsiyano at Pangako Sa ‘Yo.

Mismong sa bibig ni Associate Justice Samuel nanggaling na hindi na niya napapanood ang mga nabanggit na serye dahil busy siya sa pandinig ng kaso ni Janet Lim-Napoles hingil sa kasong P10 billion pork barrel scam. Kailangan daw kasi maaga na siyang natutulog, kaya hindi na niya alam ang tumatakbong kuwento ng primetime serye ng ABS-CBN.

Nagpahayag kasi ang abogado ni Napoles na si Atty. Stephen David na hindi gaanong nakakatulog ang kliyente niya dahil ginigising na ng 2 AM para dumalo sa twice-a-week hearings na nagsimula nitong Miyerkules, Enero 20.

Hiniling ni Atty. David na payagan ng korte na hindi na lang dumalo si Napoles sa mga hearing dahil sobrang aga at nahihirapan ito, pero kaagad itong tinanggihan ng korte.

“Do you think we’re enjoying this?” ani Justice Martires. “We’re hearing cases in the morning and afternoon. I also wake up at 4 AM to prepare. That’s why I have to sleep early and because of that, I have not been able to watch Pangako Sa ’Yo and On The Wings of Love. That’s why (I’ve managed) to catch only Ang Probinsyano.”

Hindi na nga rin daw SIYA nakakapag-exercise dahil sa dinidinig na graft and corruption cases na aabot sa 900.

Hmmm, masarap din sigurong interbyuhin si Justice Martires kung bakit mas pinapanood niya ang mga serye ng ABS-CBN, Bossing DMB. (Reggee Bonoan)