Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman ang alkalde ng Tago, Surigao del Sur, dahil sa paggamit ng government assets para itayo ang sarili niyang private resort.

Sa resolusyon ng Ombudsman, napatunayan ng kanilang fact-finding team na may ebidensiya upang kasuhan sina Mayor Rogelio Pimentel at Barangay Chairman Herminigildo Reyes dahil sa malversation at paglabag sa Section 3(e) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Sinabi ng anti-graft agency na nakatanggap ang Barangay Unaban sa Tago nang 286 na sako ng semento at 280 steel bar mula sa Office of the Provincial Agriculturist para sa pagpapatayo ng solar dryer noong 2013.

Gayunman, kinuha ito ni Pimentel sa pamamagitan ni Reyes at ginamit ang mga materyales sa konstruksiyon ng kanyang resort noong Enero 2014.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Hindi naman itinanggi ng alkalde na kinuha niya ang mga materyales at dumepensa na pinalitan na niya ang mga ito.

Pero, ibinasura ng anti-graft agency ang kanyang depensa. (Rommel P. Tabbad)