Mariah copy copy

SYDNEY (AFP) – Ikakasal na ang US pop star na si Mariah Carey at ang Australian casino tycoon na si James Packer, ayon sa kanilang mga kaibigan.

Ang magkasintahan ay ilang buwan nang may relasyon at magkasamang nagdiwang noong New Year’s Eve sa Packer’s Crown Casino ng bilyonaryo sa Melbourne, na pinagtanghalan ng singer.

“I’m so excited to be in Melbourne with James for New Year’s Eve,” pahayag ni Mariah.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Isa sa malalapit na kaibigan ng magkasintahan ang nagkumpirma sa AFP tungkol sa planong pagpapakasal ng dalawa at sinabing siya ay “over the moon that James has found such happiness with Mariah”.

Iniulat ng Sydney Morning Herald na inalok ni Packer ng kasal ang kanyang girlfriend sa New York nitong Huwebes.

Ayon sa sources na malapit sa pamilya ni Packer, “the family is overjoyed that they have found each other”, ulat pa ng nasabing pahayagan.

“Mariah has made James a very happy man, she is a very special person and the family wholeheartedly approves,” dagdag sa ulat.

Inilarawan ng E News entertainment website ang engagement ring bilang “breathtaking” at sinabing ang bato ay mabigat at 35 carats.

Si Carey, na sumikat dahil sa kanyang five-octave range, ay unang ikinasal sa rap artist at actor na si Nick Cannon at nagkaroon sila ng fraternal twins. Ang kanyang five-year union sa legendary music producer na si Tony Mottola ay nauwi sa divorce noong 1998.

Kabilang sa mga sikat na awitin ng singer, 45, ang Hero, We Belong Together at Someday.

Si Packer, 48, ay may tatlong anak sa kanyang ikalawang asawa na si Erica Baxter.