Sinabi ng isang grupo ng indigenous language experts noong Huwebes na marami pang dapat gawin para masagip mula sa pagkalimot ang mga nanganganib na katutubong wika.

“There are examples of us not just holding onto our languages, but using them to educate new generations, using them in our homes again,” sabi ni Amy Kalili, eksperto sa Hawaiian language, na nakilahok sa panel of indigenous language experts sa United Nations Headquarters sa New York ngayong linggo.

Nagbigay ang panel ng halimbawa ng mga katutubong wika na binubuhay sa iba’t ibang bahagi ng mundo, mula sa Maori sa New Zealand hanggang sa Hawaiian saHawaii.

Sinabi ni Kalili na ang pagsagip sa mga katutubong wika ay pakikinabangan din ng pandigdigang komunidad sa pamamagitan ng pagpreserba sa mahalagang kaalaman ng mga katutubo.

'Goodluck sa puksaan!' Jesus Falcis, sinagot kung kailan sasali sa 'bardagulan' mga Kakampink

“The wealth of knowledge that we have to offer the global community is codified in our native languages,” aniya.

Gayunman, sinabi ni Grand Chief Edward John ng Tl’azt’en Nation sa British Columbia, Canada na nakalulungkot na isang katutubong wika ang namamatay bawat linggo o kada dalawang linggo.

“If there’s an animal or plant or fish going extinct, people are up in arms over that, but when a language is going extinct, no one says anything,” aniya.

Nakatutulong man ang teknolohiya, hindi ito sapat, sabi ni John.

“We now need to get the elders into these gadgets so that they can use this technology to teach the young people,” aniya. “Technology in and of itself won’t be the answer, but it’s a tool.”

Sinabi ni Tatjana Degai mula sa Kamchatka sa dulong Silangan ng Russia na sa kabila ng multicultural approach at suporta ng gobyerno para sa mga katutubong wika sa Russia, ilang lengguwahe ang nasa bingit pa rin ng pagkamatay.

“Our language is surviving, in Russia which is a multicultural country (with) over 200 different languages”, aniya.

“Some languages are spoken by a million people, some languages are spoken by thousands, and mostly it is indigenous languages of the people of North Siberia and the far-East which are at the brink of extinction,” aniya.

Mayroong 6,000 hanggang 7,000 wika sa buong mundo, sabi ni John. Isa sa mga rekomendasyon ng panel ay tumulong ang mga bansa sa pagtukoy sa mga katutubong wika sa loob kanilang mga hangganan, dagdag niya. (PNA/Xinhua)