Pinag-i-inhibit ng isa sa mga abogado na nagsulong ng kanselasyon ng kandidatura sa pagkapangulo ni Senador Grace Poe si Associate Justice Marvic Leonen sa paghawak sa kaso ng senadora.

Sa walong-pahinang urgent motion, hiniling ni Atty. Estrella Elamparo ang voluntary inhibition ni Leonen.

Ito ay dahil nagkaroon na umano ng prejudgment sa kaso o lantarang pagkiling si Leonen kay Poe.

Ipinahiwatig umano ni Leonen ang pagkiling nang tukuyin niyasa gitna ng oral argument ang kanyang karanasan na lumaki nang walang ama at ‘tila nakisimpatiya pa raw ito sa napakahirap na karanasan na dinanas ni Poe sa paglaki nang hindi nalalaman kung sino ang tunay na mga magulang.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binanggit pa ni Elamparo sa kanyang mosyon ang emosyonal na mga pahayag ni Leonen nang kanyang ipaalala sa mga kapwa mahistrado na sila ay nasa tungkulin hindi bilang mga legalist kundi mga mahistrado na nangangahulugan na sila ay dapat maging makatwiran.

Hindi umano interpelasyon ang ginawa ni Leonen at nabalewala rin ang mga jurisprudence o mga naunang desisyon ng Korte Suprema na maiuugnay sa kaso ni Poe.

Sa ilalim, aniya, ng Section 1, Rule 137 ng Rules of Court, pinapayagan ang isang hukom na mag-inhibit sa kaso batay sa kanyang desisyon sa makatwirang dahilan. (Beth Camia)