HERBERT AT KRIS copy

NILINAW ni Kris Aquino na walang balikang nangyari sa kanila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista tulad ng napapabalita nitong mga nakaraang araw.  

Nagsimula ang tsikang nagkakamabutihan ulit sina Bistek at Tetay nu’ng mapabalitang nagpa-grant ng wish ang una at lechon ang hiniling ng TV host/actress na kaagad namang ipinadala sa bahay niya. Kaya sa KrisTV episode noong Biyernes, hindi nakaiwas si Kris sa tanong ni Ms. Annabelle Rama kung nagkabalikan na nga ba sila.  

Bagamat hindi nagbanggit ng name si Annabelle, halata naman kung sino ang tinutukoy nito.  

KILALANIN: Bikolanang kakanta ng pambansang awit sa SONA 2024

“Hindi talaga, ayaw ni Ate (Ballsy),” sagot ng TV host. “Kasi siguro hindi siya ever ikinasal. So sa mga naging partner in life niya, walang closure. Unlike me na na-annulled, may closure, klaro.”  

Oo nga naman, may closure sina Kris at James Yap, ama ng bunso niyang si Bimby.  

“So, if you did not make a commitment, you’re really not the type who will commit, ‘yun talaga mararamdaman mo. And may malulugi along the way, which is true kasi the children will feel na hindi napakasalan ang mom namin. So parang hindi fair na mayroong ibang papakasalan,” diin ni Kris.  

“Siguro it helps na ‘yung dalawang boys ko ay sobrang tutok at malambing sa nanay nila. Siguro kung wala sila super talaga. Secondly, maganda ‘yung sinabi mo na you should be busy. But no relationship will also work if you have the kind of schedule that I have, sa totoo lang.”  

Kaya nga hindi nagtatagal ang mga magkakarelasyon na taga-showbiz dahil sa kawalan ng oras, di ba Zanjoe Marudo at Bea Alonzo?  

Going back to Kris, wala na naman siyang pahinga simula nang bumalik galing sa bakasyon sa Hawaii dahil kahit weekend ay nagtatrabaho siya, tulad ngayong nasa Bangkok, Thailand siya (kasama sina Josh at Bimby) para sa TVC print ng Ariel detergent soap. (REGGEE BONOAN)