Binaligtad ng Korte Suprema ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) sa pagdiskuwalipika kay Exequiel B. Javier bilang gobernador ng Antique matapos itong mahalal noong 2013.

Sa desisyon na isinulat ni Justice Arturo D. Brion, ipinag-utos ng Korte Suprema na ibalik sa puwesto si Javier matapos siyang patalsikin bunsod ng inilabas na desisyon ng poll body noong Enero 12, 2015.

Matatandaan na pinaboran ng Comelec ang petisyon na inihain ni dating Lakas-CMD Secretary General Ray Roquero at kapartido nitong si Cornelio Aldon.

Inihain ni Roquero ang petisyon matapos suspendihin ni Javier si Mayor Mary Joyce Roquero ng Valderrama, Antique sa kasagsagan ng election period.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa pulong balitaan, sinabi ni Supreme Court Spokesman Theodore O. Te na ang diskuwalipikasyon ni Javier ay base sa alegasyon na nilabag niya ang Omnibus Election Code bunsod ng umano’y pananakot at panggigipit sa mga tauhan nito.

“This (case) arose from petitioner’s (Javier’s) preventive suspension of Mayor Mary Joyce Roquero upon recommendation of the Sangguniang Panlalawigan for Gross Misconduct/Dereliction of Duty and Abuse of Authority,” ayon kay Te.

“The dispute revolved around the effect of RA 7890 (passed in 1995) which increased the penalty for coercion in violation of a person’s right to suffrage and expressly repealed Sections [i]261(d) (1) and (2) of the OEC,” dagdag niya. (Rey G. Panaligan)