Hindi tumitigil si Jordan Clarkson sa paggawa ng paraan upang makapaglaro sa Philippine men’s basketball team para sa darating na FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo.

Muling iginiit ng 23-anyos na Filipino-American cager na kasalukuyang naglalaro para sa Los Angeles Lakers sa NBA ang kanyang kagustuhang makatulong sa Gilas para mag- qualify sa darating na Rio Olympics sa Agosto.

“We're working on it right now, actually,” ani Clarkson sa isang panayam dito ni Mike Trudell sa Lakers.com.

“Gotta go through some stuff with FIBA. We're trying to make sure that happens... hopefully the timing is right, and I get the chance to do that (join Gilas).”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Renauld “Sonny” Barrios , kailangan pa nilang makakuha ng “go-signal” para mapasama si Clarkson sa roster ng Gilas Pilipinas.

Ngunit sinabi rin nito na gagawin nila ang mga kinakailangan para ito mapasama sa line-up ng Gilas.

Sinabi rin ng 6-foo-t5 sophomore na si Clarkson na talagang gutso niyang makatulong para makapasok ang Gilas sa Olympics.

"I definitely want to compete, I want to try to get the guys to Rio [de Janeiro]. That would be awesome to experience," ani Clacrkson.

"There's definitely a love over in the Philippines for the game and I want to continue to keep going over there and trying to represent, and do great things for the country as well as the people."