Inilunsad noong Biyernes ang bagong tourism campaign ng Association of Southeast Asian Nations, tinawag na “ASEAN for ASEAN” upang isulong ang turismo sa rehiyon, tampok ang siyam na iba’t ibang tema.

Sa ilalim ng kampanya, ang bawat national tourism organization (NTO) ng miyembrong ASEAN ay bumuo ng specific theme upang pasiglahin ang turismo sa rehiyon sa buong 2016 at palawakin ang kaalaman sa ASEAN tourism brand.

Ang Brunei Darussalam ay magpopokus sa ASEAN community-based tourism, ang Cambodia at Myanmar ay magkatuwang sa pagsusulong sa ASEAN culture and heritage at ikakampanya ng Indonesia ang ASEAN spa and wellness.

Ibabandila ng LAO PDR ang ASEAN nature-based tourism, dadalhin ng Singapore sa center stage ang cruise tourism at pasisiglahin ng Vietnam ang river-based tourism sa pamamagitan ng marketing.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Samantala, itataguyod ng Malaysia ang ASEAN adventure travel, bibigyang diin ng Thailand ang experiential and creative travel at palalawakin ng Pilipinas ang MICE (meetings, incentives, conferences, exhibitions) tourism sa pag-organisa ng international events. (PNA)