STO. DOMINGO, Nueva Ecija - Dalawang katao ang nasawi, habang 16 naman ang malubhang nasugatan makaraang magkarambola ang isang pampasaherong bus, isang Nissan Frontier Navarra, isang Isuzu Forward truck, at isang Nissan Urban shuttle, sa provincial road na sakop ng Purok I sa Barangay Sto. Rosario, sa bayang ito, nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ng Sto. Domingo Police, dakong 10:30 ng gabi at patungong Metro Manila ang bus (CXT-465) ng Victory Liner nang aksidente itong bumangga sa kasalubong na Frontier na lumipat ng lane, at sumalpok sa truck at sa shuttle.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Mark Anthony Limban, patay sa aksidente ang driver ng bus na si Wilfredo Navarete, 52, ng Pantabangan; at driver ng truck na Roberto Custodio, 41, ng Talavera, Nueva Ecija.

Sugatan naman sina Rosalie Taduran, 50; Jaime Taduran, 57; Harold Taduran, 18; Jean Heater Taduran, 9; David Taduran, 6, ng Marikina City; Felimar Contapay, 33; Gressie Ann Ader Villanueva, 31, ng San Mariano, Isabela; Dolores Obispo, 67; Elvira Contapay, 73, ng Paijiua Norte, Cagayan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasugatan din sina Rodolfo Buere, 24; Ryan Valdez, 24; Jerome Tolentino, 23; at Ronaldo Valdez, pawang taga-Talavera; Romulo Sering, 65; Sharmaine Guzman, 24; at Nancy Ong, 29, ng Cagayan. (Light A. Nolasco)