AlDub library copy

TINUPAD na ng Eat Bulaga ang pagpapatayo ng AlDub Library sa iba’t ibang lugar sa bansa. At ito ay sa tulong ng AlDub Nation, ang mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ginawang very special nina Alden Richards at Yaya Dub ang celebration nila ng kanilang 27th weeksary noong Huwebes, January 21, nang dumayo pa sila sa Lumban, Laguna na ang paalam nila kay Lola Nidora (Wally Bayola) ay mag-a-outing sila at isasama rin nila sina Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo).

Dinayo at ‘di inalintana nina Alden at Yaya Dub ang napakaraming taong sumalubong sa kanila sa Lumban. Hindi kinaya ng security ang pag-aalaga sa AlDub at kina Lola Nidora at Lola Tinidora, (wala si Tidora) kaya nahihila-hila ang dalawa ng mga tao. Kaya naging very protective si Alden kay Maine sa pagkakataong iyon.  

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Hindi para lamang magsugod-bahay ang pakay doon ng AlDub kundi para buksan na ang pinakunang AlDub Library sa Lumban Central Elementary School. Touching na for how many years ayon sa principal na si Mrs. Castro, walang sariling library ang school at obsolete na ang mga libro na donations pa galing abroad.

Ngayon, napakaganda ng AlDub Library na kumpleto na rin sa mga libro, may computers at projectors para magamit nila sa pag-aaral ng mga bata. May inspirasyon pa ang mga bata dahil may dalawang pictures nina Alden at Yaya Dub na nasa wall ng library na nagsasabing “keep quiet.” May paalaala rin sa wall na “Ngayon ang Tamang Panahon Para Magbasa.” 

Ang AlDub Library ay nabuo sa pamamagitan ng proceeds ng Tamang Panahon special ng Eat Bulaga noong October 24, 2015 sa Philippine Arena plus donations na galing sa ibang bansa mula sa AlDub Nation. Balita namin, patuloy pang dumarating ang donations mula sa AlDub Nation, kaya ang AlDub Library ng Lumban Central Elementary School ay una pa lamang sa AlDub Libraries na ipatatayo ng Eat Bulaga sa iba’t ibang lugar sa bansa, na dadaluhan nina Alden, Yaya Dub at mga lola tuwing opening nila.  

Ayon kay Alden, simula pa lamang iyon ng forever na promise nila ni Maine sa lahat ng mga mag-aaral sa buong bansa mula sa AlDub Nation. (Nora Calderon)