GAPAN CITY - Hindi inakala ng isang 50-anyos na miyembro ng Bantay Bayan na hindi siya makakalusot sa Oplan:
Kapkap/Sita ng Pambuan Patrol Base, 4th Maneuver Platoon ng Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) makaraan siyang mahulihan ng isang caliber 357 Magnum Smith & Wesson.
Ayon kay PO3 Dennis Dela Torre, dakong 8:10 ng gabi nang biglang magpaputok ng baril ang noon ay lasing na suspek habang pasuray-suray na naglalakad, sa pag-aakalang hndi siya masisita ng awtoridad.
Naaresto si Eduardo Santiago y Barles, may asawa ng Purok 3, Pambuan, at walang maipakitang permit-to carry firearms outside tesidence (PTCFOR) nang masukol sa intersection sa nasabing lugar.
Kinumpiska ng awtoridad ang baril na walang serial number at kargado ng limang bala.
Sasampahan si Santiago ng paglabag sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10051 at illegal possesssion of firearms. (Light A. Nolasco)