CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Isang 18-anyos na babaeng disk jockey ng isang FM station sa Legazpi City ang nasawi makaraang maaksidente ang sinasakyan nitong motorsiklo, kahapon ng madaling araw, sa national highway ng Barangay Bonot sa Legazpi City, Albay.

Kinilala ni Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, ang namatay na si Janfil Yuson y Clasto, DJ ng OK-FM, himpilan ng Peoples Broadcasting Network sa Legazpi City, at residente ng Bgy. San Jose, Malilipot, Albay.

Ayon sa paunang imbestigasyon, minamaneho ni Yuson ang kanyang Hao Jue 125 motorcycle, dakong 3:30 ng umaga kahapon, kaangkas si Arjie Budlong 27, patungo sa Bgy. Bonot sa Legazpi City nang sumemplang ang motorsiklo at tumilapon ang dalaga.

Samantala, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Budlong, inamin ng huli na kapwa silang lasing at parehong walang helmet nang mangyari ang aksidente. (Niño N. Luces)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito