Napipilitan ang ilang Kristiyano sa Mindanao na mag-armas upang proteksiyunan ang kanilang sarili.

Ayon kay Bishop Angelito Lampon, ng Vicariate of Jolo, desperado na ang mga tao kaya napipilitang mag-armas para protektahan ang sarili laban sa mga armadong grupo sa rehiyon.

“This is a kind of desperate attempt by these Christians who are being attacked now and then by these armed groups,” ani Lampon, na kasalukuyang dumadalo sa plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at International Eucharistic Congress (IEC) sa Cebu City.

Ang pahayag ni Lampon ay kasunod ng pagpapakita ng puwersa ng may 300 miyembro ng armadong grupo ng mga Kristiyano, tinatawag na Red God Soldier Group, na nagpakita ng kanilang mga armas nitong Martes.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagsunog din ang grupo ng watawat ng Islamic State at kinondena ang mga pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mindanao, na ikinasawi ng sibilyan.

Binigyang-diin ng grupo ng mga Kristiyano na handa silang lumaban sa BIFF, sa ngalan ng pagpoprotekta sa sarili, at para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya at komunidad.

Naniniwala si Lampon na ang pag-aaklas ng mga miyembro ng Christian community ay isang paraan para matawag ang pansin ng gobyerno para matugunan ang problema sa kaluguhan sa rehiyon.

“If only there’s enough security for them, I think they will not take up arms. But if they feel helpless, I guess it’s their form of self-defense,” ani Lampon. (MARY ANN SANTIAGO)