Meryll Soriano copy

TIKOM ang bibig ni Meryll Soriano pagdating sa buhay at career ng kanyang amang si Willie Revillame.

Nitong nakaraang Linggo kasi ay nagpaalam si Willie sa kanyang Sunday variety show na Wowowin, pero agad ding sumunod ang espekulasyon na magkakaroon ito ng daily show.

“Hindi ako p’wedeng magsalita about it. Pero siyempre alam ko ‘yun,” napangiting sabi ni Meryll.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Pero hindi naman daw niya show ‘yun kaya lalong hindi siya puwedeng magsalita tungkol dito. Pagdating naman sa mga bumabatikos sa kanyang ama kapag laging namamaalam ang shows nito, dala lang daw ‘yun ng pagiging artista niya.

“That’s really the price you have to pay for being famous, I think, and for me for being controversial,” aniya.

Tulad ng lahat, alam din niya kung gaano kakontrobersiyal ang kanyang ama.

“My father’s very controversial and if ever I’ve learned it from him na how to handle controversies throughout his career and he has handled it well,” ani niya. “I think my father and my family has taught me very well how to survive in this industry. Survival talaga ang kailangan dito, sakaling wala kang guide.”

Dagdag pa niya, dapat na lang abangan ng publiko ang susunod na puwedeng mangyari sa karera ni Willie.

“Ang tatay ko is a good businessman. He is a very good entertainer and he is a performer and he knows what he is doing, let’s all wait for that,” pagbibida ni Meryl.

Pinapasalamatan din niya ang kanyang ama at titang si Maricel Soriano na malaking tulong para manatili siya sa showbiz at pag-ibayuhin pa ang karera niya.

“Personally kung hndi ko nakita from my aunt or my dad ‘yung kailangan kong makita hindi ako magsu-survive. I wouldn’t have loved to be in this industry,” ani niya. “I really embrace it now. I’m very happy.”

Balik-comedy si Meryl sa rom-com na pinamagatang That’s My Amboy na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Andre Paras. Pilot na nito sa January 25 sa GMA-7.

“I’m actually very excited kasi kapag soap opera it’s always drama and ilang soap operas na rin ang pinanggalingan ko. So I’m very happy na first time kong mag-rom-com na major role and this is a good story and I’m excited,” pagwawakas ni Meryll. (WALDEN SADIRI M. BELEN)