Tuluyan nang nilayasan ng mga kaalyado ng administrasyon mula sa Southern Leyte, sa pangunguna nina Vice Governor Sheffered Tan at Provincial Board Member Albert Esclamado, ang Liberal Party (LP) at piniling sumama sa United Nationalist Alliance (UNA), inihayag ni UNA Secretary General JV Bautista sa isang pulong balitaan sa Cebu City.

Kumakandidato si Tan sa pagka-gobernador ng probinsiya at katunggali si incumbent Rep. Damian Mercado, habang tumatakbo bilang bise-gobernador si Esclamado laban kay Councilor Coco Yap, ng bayan ng Sogod.

“We have taken the fight even at the door step of our primary adversarial camps from the Visayas,” sabi ni Bautista.

Ayon kay Bautista, nagsimula nang mag-alisan sa LP ang mga kaalyado ng administrasyon sa Cebu City dahil sa pag-angat ng popularidad ni Vice President Jejomar Binay sa Visayas.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Inaasahan ngayon ng UNA na mas maraming kandidato mula sa iba’t ibang probinsiya sa bansa ang magpapahayag ng kanilang pagsama sa UNA at ieendorso ang kandidatura ni VP Binay sa eleksiyon sa Mayo 9.

Kumpleto rin ang ticket ng UNA sa Maasin City at sa 18 iba pang bayan sa Southern Leyte, na kabilang ang dating mga alkalde at incumbent vice mayors.

Kasama sa Tan-Esclamado ticket si dating St. Bernard Mayor Rico Rentuza, na chairman ng LP Southern Leyte simula pa noong 2010 at nagsilbing UNA provincial coordinator at kandidato bilang kongresista ng lalawigan.

Unang kinumbinsi ni Rentuza ang dating mga kasama sa LP na sumama sa kampo ni VP Binay. (Bella Gamotea)