Ipinasa ng Kamara sa pinal na pagbasa ang panukalang palakasin ang karapatan ng mga manggagawa na magtatag ng unyon.
“By modifying the restrictions in the process of union formation provided under the Labor Code of the Philippines, the right of Filipino workers to form labor unions would be strengthened further,” ayon kay Rep. Raymond Democrito C. Mendoza, pangunahing may-akda ng HB 6238.
Ang aprubadong panukala na ipinadala sa Senado ay kapalit ng orihinal na HB 4031 na inakda ni Davao City Rep. Karlo Nograles. Ipinagtanggol ito sa plenaryo nina Mendoza at Nograles, chairman Committee on Labor and Employment.
(Bert de Guzman)