Nabigo si dating WBC at Ring Magazine flyweight champion Sonny Boy Jaro na makuha ang tamang timbang sa kanyang laban kay Yusuke Suzuki noong Enero 20 sa tanyag na Korakuen Hall sa Tokyo, Japan kaya kinansela na lamang ito ng Japan Boxing Commission.

Kasalukuyang No. 5 contender si Jaro kay WBC super flyweight champion Carlos Cuadras ng Mexico pero malaking problema ngayon sa kanyang manager na si Aljoe Jaro kung aakyat na sa bantamweight division ang kanyang alagang boksingero.

“Former WBC flyweight champ, tough Filipino Sony Boy Jaro (42-13-5, 30 KOs) was scheduled to appear but it finally didn’t take place due to Jaro’s failure to make weight against Yusuke Suzuki (6-2, 4 KOs) for an eight-round bout on Wednesday,” nakasaad sa ulat na lumabas sa Fightnews.com.

“Jaro, who had previously couldn’t make weight twice, wasn’t allowed by the JBC to fight this time—third time unlucky—as the Filipino finally scaled in at 119.25—still 2.75 pounds over the contracted weight (116.5 lbs),” dagdag sa ulat. “His manager Aljoe Jaro had a headache in his boy’s failure in weight-making.”

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nakilala si Jaro mula nang patulugin niya si legendary Thai boxer Pongsaklek Wonjongkam para matamo ang WBC flyweight belt at Ring Magazine crown noong Marso 2, 2012 sa Chonburi, Thailand. (gilbert espeña)