WALANG inaatrasan si Toni Braxton. Nakapanayam ang seven-time Grammy winner ng The Insider With Yahoo upang pag-usapan ang pelikula na kanyang iprinodyus tungkol sa kanyang sariling buhay, ang Toni Braxton: Unbreak My Heart, mapapanood simula ngayong araw, at naging seryoso sa paglalahad ng mga pagsubok na kanyang pinagdaanan na nagsimula sa nakagugulat na bankruptcy filings noong 1996 at 2010.

“It is never my goal to ever have another bankruptcy in my life,” paliwanag niya. “I am here today because I was allowed to file bankruptcy, so that is good.” 

Nang tanungin kung ano ang pinakamahirap na pagsubok na kanyang naranasan, sinabi ng 48 taong gulang na singer na ito ay nang makipag-divorce siya kay Keri Lewis noong 2013. “You would think it was the bankruptcy or something like that, but it was… getting a divorce. My kids, my family… that was the hardest part.” 

Ibinahagi rin ni Braxton ang tungkol sa pagpapatawad sa kanyang sarili sa pagpapalaglag noong 2014. “I had to forgive myself for the abortion,” aniya. “It just stunned me and it almost corrupt my energy and made [me] sad way too long.” 

Tsika at Intriga

Ogie may banat, ginamit 'modus' ng mga naka-school uniform na nagtitinda ng sampaguita

Si Toni ay may dalawang anak kay Lewis, si Denim, 14 at si Diezel, 12, na na-diagnose na may autism sa edad na 3.

“He’s pretty much off the spectrum. I tell people early diagnosis is everything,” aniya. “We’ve been working really hard. That kid has been doing everything.” Nais umano ni Diezel na sundan ang yapak ng kanyang mga magulang. “He wants to act like Denzel Washington,” pagbabahagi niya. “He loves Denzel and Samuel L. Jackson.” (The Insider)