NABAGABAG ako nang matunghayan ko ang Atang ti karurua, isang uri ng pag-aalay ng mga kapwa ko Ilocano sa isang lugar sa Cordillera Autonomous Region (CAR). Ang naturang seremonya, isinasagawa upang humiling ng isang mahalagang bagay, ay pinangunahan ng mga naulila ng 14 sa 44 Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) commandos na nakipagbakbakan sa karumal-dumal na engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao at sa Lunes na ang unang taong anibersaryo nito.

At sino ang hindi maaantig ang puso sa naturang ritwal: Ang mga naulila ay may hawak na mga sulo at patalinhagang tinatanglawan ang isang matuwid na landas sa pag-asang masusumpungan ang minimithi nilang katarungan para sa kanilang yumaong mahal sa buhay. Ginagawa nila ang lahat ng paraan upang matauhan naman ang kinauukulang para sa mabilis na pag-uusig at paglalapat ng parusa sa mga dapat managot sa nasabing nakakikilabot na engkuwentro ng SAF heroes. Isa itong makatuturang kahilingan na dapat lamang isaalang-alang para sa katahimikan ng kanilang mga kaluluwa.

Sinasabing kilala na ang mga salarin na pawang kabilang sa rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Bakit hindi sila dinadakip? Pinagtatakpan kaya ang kanilang kabuhungan upang hindi madiskaril ang isinusulong na Bangsamoro Basic Law (BBL)? Upang palitawin na ang naturang grupo ay may matapat na hangarin sa pagtatamo ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao?

Taliwas ito sa impresyon ng higit na nakararaming Pilipino sapagkat hindi maitatago ang maliwanag na pagtataksil ng ilang sektor ng MILF sa itinatadhana ng BBL. Ang pagkakasangkot nila sa massacre ay isang matinding balakid sa katahimikan sa Mindanao.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Totoo na ang halos lahat ng mga naulila ng SAF 44 ay nakatanggap na ng mga biyaya na nakaukol sa kanilang mga mahal sa buhay: Financial assistance, educational subsidy, housing units at iba pa. Gayunman, rekomendasyon pa lamang ang ipinadala kay Presidente Aquino upang gawaran ng karangalan ang Fallen 44.

Hustisyang hindi umilap ang kailangan ng mga naulila ng PNP-SAF 44. (CELO LAGMAY)