“I can vouch for his integrity.”

Ito ang inihayag ni Army chief Lt. Gen. Eduardo Año hinggil kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino na naaresto sa drug bust operation sa isang shabu laboratory sa Sta. Cruz, Manila, nitong Huwebes.

Subalit binigyang-diin ng Army chief na kaya niyang ipagtanggol si Marcelino base lamang sa kanyang nagampanan noong sila ay magkasama pa sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

“I was his boss when I was Chief ISAFP. Col. Marcelino was my field commander based in Laguna. He was very effective then and he was accomplishing significant tasks. He even facilitated the capture of a key target during that time,” saad sa pahayag ni Año.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Nakita ko naman na very straight siya at ‘yung kanyang performance talagang nakita ko na talagang very sincere sa trabaho and marami rin siyang accomplishment,” ayon kay Año.

Naoobserbahan din ng Army chief ang krusada at matinding paninindigan ni Marcelino laban sa mga sindikato ng droga.

Iginiit ng opisyal na nagtapos ang relasyon nila ni Marcelino nang italaga ang una bilang commander ng 10th Infantry Division mula sa ISAFP.

“As for my official function now, there is no official line existing between us,” ayon kay Año.

Matapos ang kanyang pagkakatalaga sa ISAFP, bumalik si Marcelino sa Philippine Navy at kumuha ng Command General Staff Course (CGSC) sa Fort Bonifacio, Makati City.

Sa kabila nito, patuloy na tumutulong si Marcelino sa pangangalap ng impormasyon laban sa mga sindikato ng droga na kanyang ipinararating sa ISAFP at Philippine Army sa ilalim ng prinsipyo na “information sharing,” ayon pa kay Año.

“On what transpired yesterday, we cannot make any comment because we do not know the details. We cannot judge him neither,”giit ng Army chief. (ELENA L. ABEN)