Blumentritt Fire_Sampaloc Maynila_Metro Manila_22Jan2016-2 copy

Nasa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang matupok ang 10 bahay sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Jesusa Esguerra sa Barangay 496, Zone 49 sa Blumentritt Street sa Sampaloc, dakong 5:00 ng umaga kahapon.

Sinabi ni Albert, anak ni Jesusa, na magluluto ang kanyang ina ng almusal na araw-araw nitong ibinebenta nang aksidente nitong maibagsak ang isang super kalan na tumama sa isang gas tank at pinagmulan ng apoy.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nagtamo si Albert ng first degree burn sa kaliwang tenga nang tinangka niyang apulahin ang apoy, na umabot sa ikalawang alarma.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit na bahay, na pawang gawa sa light materials.

Sinabi ng mga imbestigador na nasa P100,000 halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na naapula dakong 5:48 ng umaga. (Argyll Cyrus B. Geducos)