Dahil sa magandang ipinakita sa kanyang huling laban, magbabalik sa Mexico si Filipino journeyman Leonardo Doronio para hamunin si WBO Latino lightweight titlist Nery Saguilan sa Enero 30 sa Zihuatanejo, Guerrero.

Nagpakitang gilas si Doronio sa kanyang huling laban noong Nobyembre 12, 2015 sa Bangkok, Thailand kung saan pinatulog niya sa 3rd round si Nigerian Taiwo Ali.

Sa kanyang laban sa Mexico noong Agosto 22, 2015 sa Ciudad Juarez, Chihuahua, pinabagsak ni Doronio sa 3rd round si one-time world title challenger Miguel Roman ngunit nakabawi ang Mexican at siya ang napatigil sa nasabing yugto ng laban.

May siyam na sunud-sunod na panalo si Saguilan, kasalukuyang No. 6 contender kay WBC lightweight champion Jorge Linares ng Venezuela, na kabilang sa mga huling tinalo sa puntos si dating interim Philippine featherweight champion Adonis Aguelo noong 2014.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord si Saguilan na 36-5-1 win-loss-draw na may 13 pagwawagi sa knockouts, samantalng si Doronio ay may kartadang 15-11-3 na may 10 panalo sa knockouts. (Gilbert Espeña)