MAY sapat na dahilan para mangamba ang mga pambato ni Pangulong Aquino sa darating na eleksiyon sa Mayo. Ang pag-veto ni PNoy sa P2,000 across the board Social Security System pension hike, ang nakapagpasama ng loob at nakapagpagalit sa mga SSS pensioner at kanilang pamilya na maaaring maging dahilan upang hindi iboto ang mga ito na siyang kinatatakot ni Liberal Party (LP) vice presidential bet Leni Robredo.
Kinakailangang ikonsidera ni LP standard bearer Mar Roxas na sumusuporta sa naging desisyon ni PNoy na: “If the 2.15 million disgruntled elderly SSS pensioners will each generate at least 10 protest votes against President Aquino’s bets, that easily translates to 20.150 million votes, enough to send a nuisance candidate to Malacañang.”
Nakikiusap sa gobyerno maging si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na aprubahan ang nasabing bill, baguhin ang SSS o maglaan ng pondo para suportahan ang mga matatanda at may mga sakit na pensioner, lalo na iyong umaasa at pinapagtiyagaan ang P1,200 na pension para ipambili ng kanilang gamot.
Kasalukuyang nahaharap sa graft charges ang 9 na SSS executive dahil sa maling paghahawak sa pondo ng SSS. Nagsampa ng graft charges si dating Iloilo Congressman at TESDA director-general Augusto Syiuco, tumatakbong president, laban kina SSS President and CEO Emilio de Quiros, Board chair Juan Santos, Commissioners Diana Pardo Aguilar, Michael Alimurung, Daniel Edralin, Rosolinda Baldos, Bienvenido Laguesma, lbarra Molonzo, at Eva Arcas.
Inatasan na si Ombudsman Conchito Corpio Morales na imbestigahan ang SSS officials at kanilang naglalakihang mga bonus, pati na rin ang retirement benefits, at ang mababang collection rate ng ahensya. Inakusahan ni Syjuco ang kasalukuyang administrasyon ng “callousness beyond imagination.”
****
Tila tama si Albay Gov. Joey Salceda sa kanyang palagay na ang dahilan kung bakit nangungulelat si Leni Robredo sa Vice Presidential race ay dahil sa kanyang “lack of ambition.” Ayon kay Joey, ang mga Bicolano ay hindi humihintong mangarap na magkaroon ng Bicolanong presidente. Kinakailangang baguhin ni Leni ang kanyang campaign strategy upang patunayan sa mga Pilipino na siya ay isang Presidential Material. (JOHNNY DAYANG)