tabjpg copy copy

Nakadepende na ngayon sa Gilas Pilipinas players ang magiging tagumpay ng kanilang kampanya sa Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Hulyo, dito sa Pilipinas.

Kamakailan ay iginawad ng FIBA ang isa sa tatlong hosting rights sa Pilipinas habang napunta naman sa Italy at Serbia ang dalawa pa sa natitirang Olympic qualifiers.

Ayon kay Gilas head coach Tab Baldwin, malaking bagay man sa Pilipinas ang sinasabing homecourt advantage, malabo naman na indahin ito ng mga dayuhang bansa na sasabak sa OQT, mula Hulyo 4 hanggang 10 sa Mall of Asia (MOA) Arena.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“There’s going to be some very veteran, seasoned European and American teams that will come here and I don’t think they will be awed by big crowds and big stadiums,” ani Baldwin “They’re used to that so while it’s a big plus for us, I don’t think it will be a big negative for our opponents.”

Huling naging host ang Pilipinas ng major basketball event noong 2013 kung saan nagwagi ng silver ang Gilas sa ginanap na FIBA-Asia tournament.

Nitong nakaraang taon ay silver medal din ang naiuwi ng Pilipinas sa FIBA Asia 2015 matapos mabigo sa China sa kampeonato na may kaakibat na slot sa Olympic Games sa Rio de Janeiro.

Naging malapit man ang tsansa ng Gilas noong FIBA Asia 2015, hindi naman magiging madali ang kampanya ng bansa sa darating na OQT event kung saan tanging ang champion nation lamang ang susungkit ng tiket papuntang Rio.

“When you go to FIBA Asia it’s really a tournament where the Philippines should be reasonably comfortable up through the quarterfinals and maybe even into the semifinals,” ani Baldwin. “This (OQT) tournament, every game will be a do-or-die game. There are no givens in this tournament. No easy beats and there are teams ranked in the top ten in the world that will probably be here. It’s an extremely tough format.” (DENNIS PRINCIPE)