Ipatutupad ngayong Pebrero ang inaprubahang P500 dagdag sa suweldo ng mga kasambahay sa Western Visayas, ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE)-Region VI.

Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang bagong pasahod sa mga kasambahay noong Disyembre 21, 2015.

Alinsunod dito, ang mga kasambahay sa mga lungsod at first class municipalities sa Rehiyon 6 ay makatatanggap ng minimum P2,500 na sahod, mas mataas ng P500 kaysa P2,000 regional wage rate sa ilalim ng Republic Act 10361 o “Domestic Workers Act/Batas Kasambahay.”

Gayunman, ang kasambahay sa mga hindi first class na munisipalidad ay makatatanggap ng P2,000, mas mataas pa rin ng P500 kaysa P1,500 suweldong nakasaad sa RA 10361.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang Western Visayas o Rehiyon 6 ay binubuo ng Iloilo, Capiz, Aklan, Antique, Guimaras at Negros Occidental.

(Mina Navarro)