Binago ng Supreme Court (SC) ang komposisyon ng tatlong dibisyon nito sa pagretiro nitong nakaraang linggo ni Justice Martin S. Villarama, Jr.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2311 na nilagdaan ni Chief Justice Maria Lourdes P. A. Sereno, ang SC First Division ay binubuo na ngayon ni Sereno, at nina Justices Teresita J. Leonardo-de Castro, Lucas P. Bersamin, Estela M. Perlas-Bernabe, at Francis H. Jardeleza.

Ang Second Division ay pinamumunuan ni Justice Antonio T. Carpio kasama sina Justices Arturo D. Brion, Mariano C. del Castillo, Jose Catral Mendoza, at Marvic Mario Victor F. Leonen bilang mga miyembro.

Si Justice Presbitero J. Velasco Jr. ang namumuno sa Third Division kasama sina Justices Diosdado M. Peralta, Jose Portugal Perez, at Bienvenido L. Reyes. Si Justice Jardeleza ay miyembro rin ng division sa temporary capacity hanggang sa maitalaga ang bagong justice. (Rey G. Panaligan)

Tsika at Intriga

Sue Ramirez, inurirat sa viral pictures nila ni Dominic Roque