Inaprubahan na ng PBA Board of Governors ang pagbibenta ng prangkisa ng Barako Bull sa Phoenix Petroleum sa naganap na “special meeting” kahapon sa tanggapan ng liga sa Libis, Quezon City.

Ayon kay PBA chairman Robert Non, ang mga kinatawan ng pinakabagong miyembro ng liga ay iimbitahan nila sa idaraos na “regular board meeting” sa Enero 28 upang ipabatid sa kanila na aprubado na ang pagbibenta ng Linaheim Services Inc. franchise sa kanila.

“The Board unanimously agreed that Phoenix Petroleum is financially capable of maintaining a team in the PBA. So hindi naging mahirap yung desisyon,” ayon kay Non tungkol sa isinasagawang pulong sa hiling na rin ni Barako Bull representative Manny Mendoza.

Binigyan na din ng PBA board ng go-signal ang Phoenix para makapaglaro sa darating na second conference ng liga-ang Commissioner’s Cup sa halip na maghintay pa ng susunod na season.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Noong 2011, pinayagan din ng board ang pagbenta sa Barako Bull sa Linaheim na siyang namahala sa operasyon ng koponan simula ng mid-season ng naturang taon.