Ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) ang petsa ng final editing ng balota na gagamitin sa 2016 national and local elections.

Nitong Miyerkules sana ang orihinal na deadline ng final editing, ngunit iniurong ito sa Enero 26.

Nabatid na sa nasabing petsa na rin malalaman ang pinal na listahan ng mga kandidato na makakabilang sa balota, at sa Pebrero 1 sisimulan ang pag-iimprenta.

Ayon kay Comelec Commissioner Christian Robert Lim, nagpasya silang ipagpaliban ang final editing dahil may mga software issue pa na kailangang tugunan.

National

DOH, nilinaw na hindi kumpirmado kumakalat na umano’y ‘international health concern’

Samantala, sa Enero 26 din inaasahang darating ang final report ng SLI Global Solutions kaugnay ng ginawa nitong pagbusisi sa source code ng election management system.

Ang ulat kaugnay ng source code ng vote counting machine ay inaasahang darating sa susunod na dalawang linggo.

(Mary Ann Santiago)