Hinihikayat ang mga tao na kumain ng healthy fats na matatagpuan sa olive oil o sa isda dahil makatutulong ito na maiwasan ang milyun-milyong kaso ng pagkamatay dahil sa sakit sa puso, ayon sa bagong pag-aaral.

Sa katunayan, ang bilang ng mga namamatay sa sakit sa puso dahil sa kakulangan ng healthy fats ay triple ang dami dahil mas marami ang saturataed fats na kanilang kinakain, ayon sa mga researcher. (Ang saturated fats ay matatagpuan sa mga karne, cheese, iba pang dairy products at maging sa palm at coconut oil.)

“Policies for decades have focused on saturated fats as the priority for preventing heart disease, but we found that in most countries, a too-little intake of healthy fats was the big problem, bigger than saturated fat,” ayon sa author ng pag-aaral na si Dr. Dariush Mozaffarian, ng Friedman School of Nutrition Science and Policy sa Tufts University sa Boston.

Sa nasabing pag-aaral, pinagbasehan ng mga researcher ang datos ng mga taong nagbabawas ng timbang at rate ng mga namamatay dahil sa sakit sa puso mula sa 186 na bansa noong 2010. Umabot sa 711,800 ang namatay dahil sa sakit sa puso noong 2010—o 10.3 porsiyento ang namatay sa buong mundo dahil sa sakit sa puso noong taong iyon—at ito ay dahil sa hindi pagkain ng healthy fats na kung tawagin ay “omega-6 polyunsaturated fats,” na matatagpuan sa vegetable oils.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Halimbawa, “Instead of having two pieces of bread, have half a piece of bread and lots of olive oil or lots of healthy cooking oil or nuts,” sabi ni Mozaffarian sa Live Science.

Ipinaparating din ng pag-aaral na “people should be increasing their healthy fats as long as they are doing it in place of animal fats, or, even better, in place of refined starch and carbohydrates,” ayon kay Mozaffarian. Healthy fats na matatagpuan sa isda, mani, at vegetable oil, aniya. (LiveScience.com)