001513610-a10290d7-32a2-41a8-8c1a-177b11003afc copy

Doble ang panganib sa mga taong may sakit sa puso (humihinto ang pagtibok ng puso) kapag sila ay nasa mataas na lugar, itaas na palapag ng gusali halimbawa, dahil mas maliit ang tsansa na maka-survive sila kumpara sa mga taong nasa mababang lugar, napag-alaman sa isang pag-aaral sa Canada.

Sa nakalipas na limang taon, nasa 4.2 porsiyento ng mga pasyente sa Toronto na nasa mababang bahagi ng gusali ang inatake at naka-survive, at 2.6% naman ang nakaligtas sa mga pasyenteng nasa mataas na lugar, ayon sa pag-aaral.

Katunayan, mas mababa pa sa 1% ang nakaligtas sa mga taong nasa ika-16 na palapag, at wala namang nakaligtas mula sa ika-25 palapag.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Upang mas dumami ang mailigtas mula sa cardiac arrest sa high-rise buildings, kinakailangang maging alisto ang mga taong nakasaksi para agad makahingi ng tulong, ayon kay Ian Drennan, author ng nasabing pag-aaral, advanced-care paramedic at Ph.D. candidate sa University of Toronto.

“If they can notify somebody at the front desk, the security concierge or anyone there that 911 responders are coming, let’s make sure that the building’s open, that the elevators are waiting and that they have access to get on the elevators to get up to the floors,” ayon kay Drennan.

Kapag huminto sa pagtibok ang puso ng isang pasyente, ang kanyang tsansang makaligtas ay bababa sa 7 hanggang 10% sa bawat minutong pumapatak bago ang paggamit ng defibrillation (electrically shocking the heart back into action), saad ng mga author sa nasabing pag-aaral.

“We found that when EMS [emergency medical services] was called for an medical emergency, there were substantial delays in reaching the patient, and particularly from the time the medics left the ambulance in search of the patient,” ayon kay Dr. Robert A. Silverman, ang unang author ng 2007 study at associate professor of emergency medicine sa Hofstra Northwell School of Medicine sa Hempstead, New York.

“The greatest delays were found in multistory, residential buildings,” sinabi ni Silverman sa Live Science.

“Barriers to reaching the patient included the height and complexity of the layout of the building, locked lobby doors, and the lack of an escort that could have facilitated movement to the location of the patient,” ani Silverman.

Upang mabigyan ng kasagutan, pinag-aralan ni Drennan at kanyang mga kasamahan ang datos mula sa medical datebase ng out-of-hospital cardiac arrests na lumabas sa private residences sa Toronto at sa paligid na lugar sa simula 2007 hanggang 2012. (LiveScience.com)