Ang paghithit ng marijuana ay isa sa mga health concern sa kabataan, ngunit wala itong kinalaman sa mahinang thinking ability ng tao, ayon sa isang pag-aaral.

Sa halip, ayon sa naging resulta ng pag-aaral, kung ang kabataan ay may kahinaan sa pag-iisip at sa iba pang aspeto, ang genetics o klase ng pamilya o kinabibilangang komunidad ng tao ang maaaring dahilan ng kanilang mahinang pag-iisip, ayon sa mga researcher. “It could be that they come from a neighborhood or a home where intellectual development is not highly encouraged,” ayon sa author ng pag-aaral na si Joshua D. Isen, ng University of Minnesota sa Minneapolis.

Nais iparating ng pag-aaral na, “it is unlikely that the exposure to marijuana itself is causing children to show intellectual change,” pahayag ni Isen sa Live Science.

Ang mga naunang pag-aaral tungkol sa paggamit ng marijuana ng kabataan ay may iba’t ibang resulta. Iniuugnay ng ilang pag-aaral ang paggamit ng droga ng kabataan sa kanilang mahinang pag-iisip. Ngunit ayon naman sa ibang pag-aaral, ang epekto ng marijuana sa mahinang pag-iisip ay pansamantala lamang, at magbabalik din sa dati kapag tumigil na sa paggamit nito pagkalipas ng ilang buwan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa bagong pag-aaral, pinag-aralan ng mga researcher ang kaugnayan ng paggamit ng marijuana sa pag-iisip ng tao mula sa datos ng kambal na kabilang sa mahigit 3,000 pasyente. Sa unang pag-aaral, na binubuo ng halos 800 kambal, sinubukan ng mga researcher na makuha ang kanilang IQ test upang makuha ang sukat ng kanilang kakayahan noong sila ay 9 at 10 taong gulang pa lamang at 19 at 20 taong gulang na. Tinanong din ng mga researcher kung gumamit ba sila ng marijuana o hindi noong sila ay nag-aaral pa sa elementary o high school.

Sa ikalawang pag-aaral, na binubuo ng halos 2,300 kambal, sinubok din ng mga researcher ang kanilang IQ test, sa ngayon naman ang mga kambal ay mula sa edad na 11 at 12, at ngayong sila ay nasa edad 17 at 18 na. Muli, tinanong sila ng mga researcher kung gumamit sila ng droga noon.

Lumabas sa pag-aaral na sa halos 800 kambal, ang IQ score ng mga batang gumamit ng marijuana ay walang masyadong pinagkaiba sa IQ score ng mga batang hindi gumamit ng droga.

Gayunman, maaaring mas matalino ang mga batang hindi gumagamit ng marijuana, ayon sa mga researcher. Halimbawa, ang batang gumamit ng marijuana ay nakakuha ng score na 98.8 sa vocabulary test, kumpara sa batang hindi gumamit ng droga ay may nakuhang 100.7.

Sumang-ayon si Dr. Scott Krakower, assistant unit chief of psychiatry sa Zucker Hillside Hospital sa Glen Oaks, New York, at sinabing, sa kabila ng nadiskubre sa resulta ng pag-aaral, maaaring may “other variables, other consequences that can come from using cannabis.” (LiveScience.com)