Naniniwala si boxing trainer Freddie Roach na hindi magreretiro si Filipino boxing sensation Manny Pacquiao matapos ang April showdown kay American Timothy Bradley.

Sa katunayan ay kinukonsidera ni Roach ang laban kay Bradley bilang “test fight” upang malaman kung naka-rekober na nang tuluyan si Pacquiao sa kanyang shoulder injury.

Para kay Roach, kulang ang kalidad ni Bradley para maging banta sa asam ni Pacquiao na manalo sa laban.

“We considered several other, better fighters before him (Bradley). But considering the injury and the layoff, I think Bradley is a good choice,” ani Roach. “I see Manny defending his crown after this. This fight will be a good test for his shoulder.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Natamo si Pacquiao ang shoulder injury sa training na lumala naman sa laban nito kay bitter American rival Floyd Mayweather, Jr. noong May 2015.

Ilang linggo matapos ang laban ay sumailalim ito sa operasyon na sinasabing naging matagumpay dahil na rin sa kanilang desisyon na labanan si Bradley ngayong Abril 9 sa MGM Grand Garden sa Las Vegas, Nevada.

He’s not all done. He’s been telling me before, ‘when I’m all done you tell me. Of course I’ll tell you’,” pahayag ni Roach. “I don’t think he is even that close to being done. This won’t be his last fight.”

Nakuha naman ni Bradley ang rubber match kay Pacquiao matapos magtala ng knockout win kontra Mexican-American Brandon Rios na minsan na rin niyang nakalaban at yumukod kay Pacquiao.

Nakatulong din kay Bradley ang pagkuha nito kay ESPN analyst Ted Atlas, kilala sa kaniyang kakaibang istilo sa training at maging sa kaniyang TV appearances sa boxing events ng nasabing network.

Ngunit para kay Roach, hindi sapat para kay Bradley ang pagkuha kay Atlas upang gumanda ang tsansa nito na manalo kay Pacquiao.

“He’s got an animated personality and people love that. But I’m not a cheerleader like him. I don’t tell my fighters stories outside of boxing,” ani Roach “He tells you stories about firemen. I have nothing against but what do firemen have to do in fighting the best fighter in the world?”

Nasa kalagitnaan ngayon ng whirlwind tour si Pacquiao at Bradley sa Los Angeles at New York upang i-promote ang kanilang 12-round fight kung saan itataya ng American champion ang kaniyang WBO welterweight crown. (DENNIS PRICIPE)