Inanunsiyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na walong oras na mawawalan ng kuryente ang dalawang bayan at isang lungsod sa La Union ngayong araw.

Apektado ng pagkawala ng kuryente ang mga consumer ng La Union Electric Company, Inc. franchise area sa mga bayan ng Bauang at San Juan, at San Fernando City.

Sinabi ni Lilibeth Gaydowen, NGCP-North Luzon Corp. communications and public affairs officer, na ang power shutdown ay dahil sa taunang preventive maintenance at testing ng 50-MVA power transformer sa Bauang Substation.

Agad na magbabalik ang normal na operasyon kapag nakumpleto ang trabaho, ayon sa NGCP. (Erwin G. Beleo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito