Kinondena ng Pilipinas ang pag-atake ng grupong Taliban sa Bacha Khan University sa Pakistan na ikinamatay ng 21 estudyante at ikinasugat ng 30 iba pa nitong Miyerkules.
“The attack, which took the lives of at least 21 students, is a cowardly and reprehensible act.
“As we extend our most heartfelt sympathies to those who lost their loved ones in this tragic incident, the Philippines expresses the hope that the perpetrators will be identified and held responsible,” sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), kahapon.
Kinumpirma ng DFA na walang Pilipinong nadamay sa pag-atake.
Mayroong 1,284 na Pinoy ang nagtatrabaho at naninirahan sa Pakistan.
Patuloy na binabantayan ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad ang sitwasyon doon. (Bella Gamotea)