kuya germs copy

SA libing ng Master Showman na si German Moreno sa Loyola Memorial Park in Marikina kamakailan, 82 paruparo at 82 balloons ang pinakawalan sa himpapawid bilang pagdiriwang sa buhay ng well-loved entertainment impresario na pumanaw sa gulang na 82.

Ang mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan ay may naka-pin namang maliliit na tiny Philippine flags sa kanilang t-shirt, na regalo mula sa singer-composer na si Anthony Castelo, na matalik na kaibigan ng yumao. Naniniwala si Anthony na makabayan si Kuya Germs, isang Pilipino na malalim at tapat ang pagmamahal sa Pilipinas.

“It showed in the way he worked hard to promote Filipino artists, our music, our culture,” sabi niya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nagbunga ang determinasyon ni German Moreno na tagurian ang Quezon City bilang City of Stars nang makipagtulungan sa kanya si dating Mayor Feliciano Belmonte, Jr. at ang current Mayor Herbert Bautista na maisakatuparan ito. Ang Master Showman din ang nagtatag sa Walk of Stars sa Eastwood City, Libis, pati na sa isa pa nito sa paligid naman ng GMA Network complex sa Quezon City rin.

“German so loved Quezon City that he lived here all his life,” ayon kay Castelo.

Natutuwa rin ang veteran singer na ang Philippine Congress, sa pamamagitan ni Speaker Feliciano Belmonte, ay naghahanda ng congressional recognition para kay German Moreno bilang pagkilala sa kanyang di-matatawarang kontribusyon sa sining at kultura ng mga Pilipino.