NEW YORK (AP) – Iisang bagay lang ang gugustuhin mong gawin kung galing ka sa pagkadapa at ito’y walang iba kundi bumangon.

"It's painful to get knocked down, but it's shameful not to get back up if you get knocked down," ayon kay Cleveland coach David Blatt matapos ang ginawang pagbawi ng Cavaliers mula sa masaklap na pagkabigo sa kamay ng Golden State nang kanilang gapiin ang Brooklyn Nets, 91-78.

Kumulekta si Kevin Love ng 17 puntos at 18 rebounds upang pangunahan ang nasabing panalo habang nag-ambag naman si Lebron James ng 17 puntos.

Parehas pang hindi na naglaro ang dalawang forward ng Cavs sa fourth quarter na inaasahang makakatulong ng malaki para sa kanilang nakatakdang laban kontra Los Angeles Clippers.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit ang pinakamahalaga para sa Cleveland, maganda ang naipakita nilang performance matapos silang madurog sa kamay ng Warriors sa rematch ng nakaraang taong NBA Finals sa iskor na 132-98.

"I think tonight it was very easy to look each other in the face and know that we got better tonight," ayon kay James.

Sa laban nila kontra Warriors ay nagtala lamang si Love ng 3 puntos at 6 na rebounds na umani ng maraming katanungan hinggil sa kanyang papel sa ikalawang season niya sa Cleveland.

Ngunit sa kanyang ipinakitang laro kontra Nets, saktong-sakto si Love para sa Cavs at sa kahit na anumang team siya mapabilang matapos kontrolin ang defensive backboards kung saan nagmula lahat ng kanyang nakuhang rebounds at nagposte ng 5 for 10 shooting sa field.

"You've got to respond after a tough game like the other night," ayon kay Love ."I wasn't the only one, I felt a lot of guys played with more energy and brought it, but there's really only one way you could go from the last game I had."

Mayroon lamang isang rebound at naglaro lamang sa loob ng 29 na minuto si James, ngunit pinatunayan ng kanyang dalawang “powerful dunks” sa first quarter na handang-handa sila sa laro sa umpisa pa lamang kumpara sa ipinamalas nila kontra Warriors.

Umabot ang kalamangan ng Cleveland hanggang 23 puntos sa second half at nakahabol na lamang ang Brooklyn nang magsimula ang Cavs na ipasok ang kanilang mga reserves.

Nagtala si Brook Lopez ng 16 na puntos at 10 rebounds para sa Nets, na natamo ang kanilang ika-apat na sunod na pagkabigo.

Inamin naman ni Nets interim coach Tony Brown na inaasahan na nilang sisingasing at magbubuga ng apoy ang Cavs sa laro, ngunit higit sa lahat nakita sa panalo ang taglay na talento at tibay ng koponan matapos na magpasok ang Cleveland ng mga players galing sa kanilang bench na puwede nang maging starters para sa Brooklyn at isa na rito ang Cavs top reserve na si Tristan Thompson na nagtapos na may 14 na puntos at 10 rebounds.

"I don't think it was our best effort since I've taken over," ani Brown. "I don't know if it was just because it was Cleveland. I don't know. But we could do a lot better on both ends of the floor."

Lumamang ang Cleveland, 73-55, sa pagtatapos ng third canto at mula roon ay hindi na kinailangang bumalik pa ng kanilang mga starters hanggang sa matapos ang laro.